Cong na biktima ng basag-kotse, suportado regulasyon sa paid parking
By Billy Begas
Suportado ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran ang pagpasa ng panukala na magre-regulate hindi lamang sa bayad sa mga parking area kundi titiyak na protektado ang mga sasakyang nakaparada sa mga ito.
Ayon kay Taduran hindi makatwiran na nagbabayad ang mga motorista sa parking pero hindi naman pinapangalagaan ang mga sasakyan kaya para ring nagparada ka sa kalsada.
“Para kang umupa ng hotel room para sa kotse mo, pero walang pananagutan ang may-ari ng parking kung may mangyari sa sasakyan mo,” sabi ni Taduran.
Si Taduran ay nabiktima ng basag-kotse sa isang mall noong Enero 2020.
“For the currently huge fees we pay for parking, there should be enough security personnel to man the area and CCTVs for added security. Kasama ‘yan sa obligasyon ng mga nagpapaupa ng parking spaces. Hindi ka dapat kakaba-kaba sa pag-park ng sasakyan mo kung nagbabayad ka naman,” dagdag pa ni Taduran.
Inaprubahan ng Kamara de Representantes noong Miyerkules ang panukalang Parking Operations and Fees Regulation na akda ni Deputy Speaker at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian. (Billy Begas)
https://tnt.abante.com.ph/cong-na-biktima-ng-basag-kotse-suportado-regulasyon-sa-paid-parking1/
No comments:
Post a Comment