Gator Website Builder 2021 News Articles: Media bakunahan na – solon

Media bakunahan na – solon

 

Manila, Philippines – Ipinakakasa na ni ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña na bakunahan na ang mga mamamahayag.



Nanawagan din ang kongresista sa lahat ng miyembro ng media na magparehistro upang mabakunahan na kasabay ng bakatakdang pagbabakuna sa lahat ng A4 priority group.

Iginiit pa ng mambabatas na nahaharap sa panganib ang mga journalists dahil sa araw-araw na panganhalap ng mga balita.

“Hindi huminto ang mga balita simula nang magka-pandemya. Walang nag-off the air at hindi naman nahinto ang printing ng mga diyaryo.  Patuloy rin ang mga balita online. Araw-araw na kinakaharap ng mga taga-media ang panganib ng COVID-19. Sa katunayan, marami nang media workers ang nagka-Covid dahil sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin kahit wala pang bakuna,” ayon kay Taduran.

Dahil sa papadating na 10 milyong doses ng vaccine ay hinimok ni Taduran ang mamamahayag na magtungo na sa kani-kanilang LGU.

“The best protection is whatever vaccine is available. Huwag nang mamili, lalo na at pinag-aralan naman ng husto ang mga bakuna bago ito ibigay sa mga mamamayan,” sinabi pa ni Taduran.

“Inaasahan nating bago matapos ang taong ito ay mayroon nang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa sa media. Tamang suweldo at seguridad sa trabaho, sapat na equipment para sa proteksyon at insurance ang nakahanda para sa media workers kapag ito ay ganap nang batas,” dagdag pa ni Taduran. (Meliza Maluntag)


No comments:

Post a Comment

Happy World Teacher's Day