Panawagan ni ACT-CIS PARTYLIST Rep. Niña Taduran sa LGUs at DSWD: Magkaroon din ng Vaccination program para sa mga kapus-palad na nasa lansangan
NEWS ALERT l Nanawagan ang isang mambabatas sa mga LGUs na magkaroon ng isang espesyal na vaccine program para sa mga naninirahan sa mga lansangan particular ang mga matatandang naghahanap-buhay at nanlilimos sa daan.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran, kailangang protektahan din ang mga kababayan nating nasa lansangan.
Marapat lamang na magtulungan ang Lokal na Pamahalaan at Department of Social Welfare and Development o DSWD para maiparehistro ang mga nasa nakatira sa kalsada, na walang kakayahang makapagpalista sa pamamagitan ng internet o makapunta sa mga kaukulang tanggapan, para makapagtanggap ng bakuna.
“They lack the equipment and proper guidance on getting the vaccine, and these elderly in the streets should be among those in the priority list,” ani Taduran.
Dagdag pa ng mambabatas, bakit hindi daw muna tulungang mabakunahan ang mga nakatira sa lansangan, na maituturing na isa sa mga ‘most vulnerable and the most probable carriers’ ng virus’.
l Via Julius Disamburun DWRB News
For more updates, Like and Share our Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/DWRB103.9NewsFM/
No comments:
Post a Comment