Gator Website Builder 2021 News Articles: Media, hinikayat na magpabakuna na

Media, hinikayat na magpabakuna na




Nanawagan si ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran sa lahat ng miyembro ng media na magpatala na at magpabakuna laban sa COVID-19 ngayong nagsimula na ang pamahalaan sa pagbabakuna ng A4 priority group.

Paalala ng kinatawan na ang mga manggagawa sa media ay lantad sa banta ng COVID-19 dahil sa araw-araw nilang pagkalap at paggawa ng balita.

Ngayong Hunyo, inaasahang darating ang 10 milyon pang doses ng bakuna laban sa COVID-19, kaya’t hinihikayat ni Taduran ang lahat ng manggagawa sa media na magpalista na sa kanilang mga local government units.

Pinaalalahanan din nito ang mga taga-media na huwag nang mamili ng brand, dahil lahat ng ito ay epektibo at pinag-aralan naman ng husto ang mga bakuna.

Positibo naman ang kinatawan na bago matapos ang taong ito ay maisasabatas ang Media Workers Welfare Bill para mabigyang proteksyon ang mga manggagawa sa media.

Binigyang katiyakan ni Taduran na mabibigyan pa ng dagdag na proteksyon ang mga manggagawa sa media tulad ng tamang suweldo at seguridad sa trabaho, sapat na equipment para sa proteksyon, at insurance habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin.

 By Kathleen Jean Forbes

No comments:

Post a Comment

Happy World Teacher's Day