Gator Website Builder 2021 News Articles: Apela ng solon HEALTHCARE WORKERS ‘WAG NANG ISAMA SA KONTROBERSYA

Apela ng solon HEALTHCARE WORKERS ‘WAG NANG ISAMA SA KONTROBERSYA

 



SUPORTADO ni ACT-CIS Party-list Representative Rowena ‘Niña’ Taduran ang mga healthcare worker sa kanilang hindi matatawarang responsibilidad ngayong pandemya sa harap naman ng kontrobersya sa maling pagsaksak ng bakuna laban sa COVID-19 sa isang pasyente.

Ayon sa House Asst. Majority Leader, imposibleng sadyain ng mga healthcare worker na huwag iturok sa mga pasyente ang bakuna.

“Aanhin naman nila ang hindi naiturok na bakuna? Ang mga bakuna, tulad ng MRNA vaccines, kapag naihanda na siya para ma-inject, at nahaluan na ng diluting solution, sira na kapag hindi nagamit agad,” ayon sa mambabatas na kumonsulta sa mga ekspertong medikal.

“Ang iba pang bakuna, six hours lang ang shelf life kapag na-puncture na ng karayom ang vial na kinalalagyan nito,” dagdag ni Taduran.

Reaksyon ito ng mambabatas sa kumakalat na mga video ng health care workers na hindi naitutulak ang pang-iniksyon kaya’t nabibigong maisaksak ang bakuna sa pasyente.

“Napapagod din ang mga healthcare workers at nagkakamali. Hinihikayat natin ang mga nagpapabakuna na bantayan ang ginagawa sa kanila para maitama ang mga pagkakamali,” pagtatapos ni Taduran. (CESAR BARQUILLA)

No comments:

Post a Comment

Happy World Teacher's Day