Gator Website Builder 2021 News Articles: Cong. Nina, magkakaroon ng sariling SONA!

Cong. Nina, magkakaroon ng sariling SONA!



MANILA,Philippines-  Patok sa netizens ang naging look ni Senador Nancy Binay sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) 2021 kahapon, Hulyo 26.

Ibinahagi ng senadora sa kanyang social media account ang kanyang outfit kasama ang long hair.

Sinabing sinuot lamang niya ulit ito makaraang gamitin noong 2016 na siyang likha niRandy Ortiz.

Ito ay isang simpleng itim na barong, na pinartneran ng lace face mask at pinstripe wide leg at itim na rope belt.

Marami ang nagsabi na ito ay elegante at ‘very fresh’ sa bagong look dahil sa mahabang buhok.

Matatandaan sa nakaraang SONA noong 2014, maraming negatibong komento at ginawan din ito ng ilang memes kung saan ikinumpara ang kanyang naging  kasuotan sa isang hot air balloon.

Subalit, naging motibasyon niya ang mga komentong iyon upang mas maging adventurous sa kanyang mga kasuotan.

Ikaw ka-Remate? Nakilala mo rin ba si Nancy Binay RNT/Yna de luna-trainee

No comments:

Post a Comment

Happy World Teacher's Day