By Billy Begas
Nagsisimula nang mainis ang isang lady solon dahil nagpapatuloy ang pagkukumpulan ng mga tao sa mga vaccination at voter registration site.
Ayon kay Assistant House Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Rowena Niña Taduran, sa panahon ng digital age ay dapat nakagawa na ng sistema ang gobyerno para nabibigyan ng schedule ang publiko at naiiwasan ang pagpila nang matagal.
“Kulang tayo sa organisasyon, sa panahon na puwedeng i-schedule ang lahat digitally o online para ‘di nagtutumpok-tumpok. Ang hilig nating magpapila,” sabi ni Taduran.
Andami umanong indibiduwal ang napipilitang gumising ng maaga para pumila at nag-uubos doon ng oras kahit na hindi sigurado na sila ay mababakunahan o makakapagrehistro.
“Kung may kanya-kanyang schedule ang magpaparehistrong botante at ang magpapabakuna, hindi na kailangang maghintay ng napakatagal sa pila at makakagawa pa ng ibang gawain ang mga mamamayan,” punto pa ni Taduran.
Nanawagan si Taduran sa mga barangay na tumulong sa pagbibigay ng schedule sa kanilang nasasakupan.
“Barangays should coordinate with the authorities concerned with the vaccination and registration of voters for the proper scheduling and to avoid crowding. This is the best that they can do to avoid the spread of the dreaded COVID-19 and to spare our fellowmen from wasting their time lining up,” dagdag pa ng lady solon.
No comments:
Post a Comment