Itinanggi ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang kumakalat na impormasyon na tatakbo ito sa pagka-alkalde ng Iriga City, Camarines Sur sa susunod na taon.
Ayon kay Taduran mas gusto nitong manilbihan bilang party-list representatives at walang plano na pumasok sa lokal na politika.
“Whatever happens in the next elections, I will continue to be of service to my fellowmen. If I won’t be given the chance to serve again as partylist representative, I can always go back to media, where I have been doing public service for many decades,” ani Taduran.
Kumalat ang balita na tatakbong sa pagka-mayor si Taduran nang magpatayo ito ng action center sa Iriga at mamigay ng tulong pinansyal, face masks at iba pang gamit sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Aniya, ganito rin ang ginawa ng ACT-CIS sa ibang lugar sa Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Benguet, Abra, Pangasinan, Laguna, Cavite, Batangas, Marinduque, Bohol, Cebu at Metro Manila.
“We reach out to whoever needs help,” ani Taduran na nasa unang termino sa pagkakongresista.
Fake news yan pagtakbo sa pagka-alkalde ng Iriga ni Rep. Taduran itinanggi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
Panawagan ni ACT-CIS PARTYLIST Rep. Niña Taduran sa LGUs at DSWD: Magkaroon din ng Vaccination program para sa mga kapus-palad na nasa lan...
-
SUPORTADO ni ACT-CIS Party-list Representative Rowena ‘Niña’ Taduran ang mga healthcare worker sa kanilang hindi matatawarang responsibili...
-
By Billy Begas Naniniwala ang isang lady lawmaker na maraming senior citizen ang ayaw magpabakuna dahil sa takot na mahirapan si...
No comments:
Post a Comment