PINAPURIHAN ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS
Partylist Rep. Rowena Niña Taduran ang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force
for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na maisama ang mga
taga-media sa A4 priority list ng mga mababakunahan kontra COVID-19.
Ayon
sa ranking lady House official, labis siyang nagpapasalamat sa hakbang na ito
ng Duterte administration lalo’t ang mga manggagawa sa media ay matagal nang
nakalantad sa virus simula nang magkapandemya sa kanilang paghahatid ng balita
kung kaya marapat lamang na mabigyan sila ng kaukulang proteksiyon laban sa
kinatatakutang virus.
“Hindi
naman huminto ang mga balita kahit may pandemya. Sumusugod ang mga mamamahayag
kung nasaan ang panganib ng Covid para lamang makapaghatid ng impormasyon.
Kahit ang mga nasa technical, sumusuong sa panganib ng virus maibigay lang ang
balita sa tao,” sabi pa ng ACT-CIS partylist.
“This
is also precisely the reason why I am pushing for the passage of the bill on
Media Workers Welfare. Once it becomes a law, it will ensure all media workers
the necessary protection as they perform their duties,” dagdag ni Taduran.
Ang
House Bill 8140 ay hindi lamang magbibigay ng malawakang benepisyo at seguridad
sa trabaho kung hindi magkakaloob din ng kaligtasan sa mga manggagawa sa media
habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Pinasalamatan
din ni Taduran sina Testing Czar Vince Dizon at Director-General Karl Chua ng
National Economic and Development Authority sa pagrerebisa ng A4 priority list
para maisama ang mga manggagawa sa media.
“Akala
ko pababayaan na nila ang media. Marami na ring media workers ang iginupo ng
COVID dahil sa kanilang pagtupad ng tungkulin. Mayroong mga nakabangon,
mayroong mga nawala. Kailangang-kailangan nila ang proteksiyon laban sa COVID,”
ayon sa mambabatas.
Kabilang
sa A4 priority group ang mga manggagawang itinuturing na nasa frontline dahil
may kinalaman sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo batay sa pagtataya ng IATF.
ROMER
R. BUTUYAN
No comments:
Post a Comment