Gator Website Builder 2021 News Articles: Pagsama sa media sa vaccine priority ikinatuwa

Pagsama sa media sa vaccine priority ikinatuwa

 


Ikinagalak ni House Assistant Minority Leader at ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran ang hakbang ng gobyerno na isama sa A4 priority list ng COVID-19 vaccination program ang mga media worker.

Ayon kay Taduran patuloy na ginagampanan ng media workers ang kanilang trabaho sa kabila ng banta ng COVID-19 at mayroon ng nahawa at namatay sa hanay ng mga ito.

“Hindi naman huminto ang mga balita kahit may pandemya. Sumusugod ang mga mamamahayag kung nasaan ang panganib ng COVID para lamang makapaghatid ng impormasyon. Kahit ang mga nasa technical, sumusuong sa panganib ng virus maibigay lang ang balita sa tao,” ani Taduran na isang dating media personality.

Isinusulong ni Taduran ang panukala na magbibigay ng komprehensibong benepisyo at seguridad sa trabaho ng mga media workers.

“Once it becomes a law, it will ensure all media workers the necessary protection as they perform their duties,” dagdag pa ng lady solon.

Nauna ng sinabi nina Testing Czar Vince Dizon at Director-General Karl Chua ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagtataas sa media workers sa A4 category mula sa B category.

“Akala ko pababayaan na nila ang media. Marami na ring media workers ang iginupo ng COVID dahil sa kanilang pagtupad ng tungkulin. Mayroong mga nakabangon, mayroong mga nawala. Kailangang-kailangan nila ang proteksyon laban sa COVID,” wika pa ng mambabatas.

No comments:

Post a Comment

Happy World Teacher's Day