Hiniling ni Assistant Majority Leader at
ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa gobyerno ang pagkasa ng malawakang information
campaign ukol sa COVID-19 vaccine.
Ayon
kay Taduran, hindi dapat katakutan ng publiko ang bakuna at dapat mas matakot
sa nakakamatay na virus.
Bukod dito ay mahalaga na mayroong sapat at tamang impormasyon
ang publiko para matulungan ang mga tao na intindihin at tanggapin ang anumang
bakuna na dumating sa bansa.
Kung may kampanya sa tamang edukasyon at impormasyon ukol sa
bakuna ay mahihigitan nito ang mga kinatatakutang epekto dahil napatunayan
naman sa mga pag-aaral na minimal at non-life threatening ang adverse effects
ng COVID-19 vaccines.
No comments:
Post a Comment