Tabi-tabi po lang kay Joee Guilas ng PAGEANT TOWN para sa kwento kong ito.
Maaga sumabak sa pagtatrabaho si Joy Barcoma. 15 anyos pa lang sya nang magsimulang maging model habang sya ay nag-aaral. 17 anyos naman sya nung sumalang sa iba’t ibang beauty pageant. Pero isa sa di nya makakalimutang oportunidad ay yung naging OJT sya sa produksyon ni Broadcaster Raffy Tulfo. (hindi naman siguro sya pina-Tulfo!) Bukod sa marami syang natutunan kay Raffy, dito nya nakilala ang kapartner nitong si Nina Taduran, na ngayo’y isa nang kongresista. Si Cong. Nina kasi ang nagbukas ng maraming pinto para sa kanya. (baka pwede makidaan sa isang pinto!)
“Malaki po talaga naitulong sakin ni Cong Nina. Sa simula palang na OJT ako. Siya talaga yung nagtuturo sakin at sumusuporta lalo na nung time na yun kasi working student po ako,” pag-alala ni Joy. (penge rin po ng suporta Cong!)
Pagkagraduate nya ng Broadcast Communications sa Polytechnic University of the Philippines, kinuha syang Executive Assistant ni Cong Nina, na nag-encourage din sa kanya na sumali sa nalalapit na Miss World Philippines Pageant. (bakit ako di naisip ni Cong na pasalihin?)
Kwento ni Cong Nina: “Noon talaga napansin ko mahiyain sya. Tapos nakasalamin. Parang betty la fea. Pero nakita ko mukha nya, sabi ko ang ganda-ganda mo. Sabi pa nya, hindi naman po. Tapos nung nagkaroon kami ng pageant na Miss Philippine Islands, pinasali ko sya. Nanalo sya. Ngayon naman, may panibago syang hamon sa Miss World Philippines. “ (pwede ko bang hamunin yang si ate?!)
Wala nang patid ang paghahanda ngayon ng 22 anyos na dalaga para sa naturang pageant na magaganap sa July 25, 2021. (nakaready na rin ako girl!)
“Mostly na preparation is yung usual na walk, q and a, personality development but what I invest most of my time is mentally preparing myself kasi po mahirap ang pressure. So, ayaw ko maapektuhan sa mga negative comments and opinions. “ Paliwanag ni Joy. (block mo sila ‘day!)
Malaki talaga ang impluwensya sa kanya ni Cong. Nina sa pagsali nya sa prestigious pageant na ito. “Inspirasyon ko po talaga si cong nina. Hindi po sya nakalilimot sa pinagsimulan nya. Mula sa pagiging media practiotioner nya hanggang sa maging congresswoman, tapos yung puso nasa serbisyo publiko. Yun po instill ko sa sarili ko na di ko kalilimutan ung mga taong nakatulong sakin kung saan man ako ngayon at magpasalamat sa suporta nila.” (parang bet ko rin maging congresswoman!)
Alam nya na pagsabak sa pageant ay posibleng pagmulan ng ilang indecent proposals. “Hindi na po bago sakin yung mga ganyan. Kung may mag-offer ulit, tatanggihan ko po pa rin kasi vina-value ko po ang dignidad.
Hindi naman ako against sa mga nakikipadate sa mas matanda sa kanila, ang hindi lang ako sang-ayon ay makasira ng pamilya. Ang respeto ko po ay nasa asawa, sa pamilya. Galing po kasi ako sa broken family kaya ayaw ko maging dahilan para makasira ng pamilya at kinabukasan ng anak. “ (parang need ko ata ng dignidad!)
Hindi naman nya isinasara ang puso nya para sa showbiz, bilang maraming produkto ng pageant ang nag-aartista, pero sa ngayon gusto nya munang magfocus sa karera nya sa beauty pageant industry. (ako nga kahit sa karera ng kabayo, waley!)
“Kapag nanalo po ako,tutulong parin ako kay Cong. Nina, kasi napakalaking suporta ang naibibigay nya sakin pati ng mga kasama ko sa trabaho. Kasama ko pa rin sila dahil mayroon akong mga plataporma tulad ng mental health literacy. Hindi naman ako mababago ng korona, mas mapalalawak lang nito yung pagtulong at pag-inspire ng mas maraming tao.” Giit ni Joy. (pahiram ng korona ha!)