By Billy Begas
Nanawagan ang mga lider ng Kamara de Representantes sa publiko
na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols upang hindi mahawa ng COVID-19.
“While
we understand that more businesses are reopening and people want to resume
normal activities, we have to maintain our health protocols until the COVID-19
threat is effectively addressed by our vaccination program,” ani Speaker Lord
Allan Jay Velasco.
Apat
na magkakasunod na araw nakapagtala ng mahigit 3,000 dagdag na kaso ng COVID-19
ang bansa. Pinangangambahan na umakyat ito sa 6,000 kada araw bago matapos ang
Marso.
“Now
is not the time to let our guard down,” ani Velasco. “We have to wait until such
time a greater number of Filipinos are vaccinated and herd immunity has been
achieved.”
Ipinaalala
naman ni Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran na kahit na
mabakunahan ay maaari pa ring mahawa ng COVID-19 kaya hindi dapat balewalain ang
protocol.
“Pagod
na ba tayo sa pagsunod sa mga health protocols? Nagmamadali ba tayong bumalik
sa normal ang negosyo at pagbabiyahe? Let us not forget that even with the
vaccines coming in, the infection is still here and spreading. We have to be
wary also of the new variants which spread faster than the original strain,”
ani Taduran.
Nanawagan
din si Taduran sa mga lokal na pamahalaan upang gamitin ang Barangay Health
Emergency Response Team upang matiyak na sumusunod ang publiko sa health
protocol.
No comments:
Post a Comment