By Kathleen Jean Forbes
Nais ni ACT-CIS Party-list Rep. Niña
Taduran na ibalik ang mahigpit na health protocols makaraang ibabala ng UP OCTA
Research team na posibleng tumaas sa 6,000 kada araw ang kaso ng COVIDA-19 sa
bansa sa pagtatapos ng Marso.
Nagpahayag
din ng pagkabahala ang kongresista sa mabilis na paglobo ng kaso COVID-19 sa
bansa lalo na sa National Capital Region, makaraang maobserbahan ang araw-araw
na pagtaas ng mahigit sa 3, 000 kaso.
Paalala
ng mambabatas, kahit na dumating na ang bakuna ay naririto pa rin ang virus ay
patuloy na kumakalat lalo na at may mga bagong variant na naitala sa bansa.
Binigyang
diin nito na kahit pa niluwagan na ang travel restrictions sa pagbiyahe ay
kailangan pa ring ipatupad ng mga lokal na pamahalaan ang mahigpit na health
protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield kapag nag-iikot ang
mga tao sa labas at ang masusing paglilinis sa katawan at kapaligiran.
Nanawagan
din si Taduran sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na maging
aktibo sa implementasyon ng health protocols na ito at masusi ring bantayan at
alamin ang mga bagong impeksyon sa kanilang komunidad.
No comments:
Post a Comment