Happy World Teacher's Day
Solons seek support for media practitioners
TWO bills filed in the House of Representatives are set to provide much-needed support to the country’s creative industry and media practitioners.
House Bill (HB) No. 8101, or the proposed Philippine Creative Industries Act, primarily authored by Creative Industry and Performing Arts Chair Christopher “Toff” De Venecia (Pangasinan, 4th District), seeks to provide financial and institutional support to targeted creative industries.
For her part, ACT-CIS party-list Rep. Rowena “Niña” Taduran authored HB 8140, which seeks security of tenure and better benefits for all workers in the media industry.
“Magkapatid itong bills na ito,” De Venecia said of the measures during the virtual Ugnayan sa Batasan media forum. He added that hearings for both measures were conducted almost simultaneously.
The proposed Philippine Creative Industries Development Act, which has been approved by the House on second reading, provides for the creation of the Philippine Creative Industry Development Council and formulation of the Philippine Creative Industries Development Plan.
“Ito ay isang panukalang kumikilala sa creative industries bilang lehitimong sector, na naglalayong magbigay ng proteksyon at suporta na galing sa estado para talagang matulungan at ma-accelerate ang kanilang development,” De Venecia said.
Creative industries identified in the measure include traditional cultural expressions, music and the performing arts, architecture and interior services, animation and digitized creative content, audio-visual, broadcast and interactive media, cultural sites, and visual arts. When enacted, the measure will help freelancers formalize themselves into the economy.
De Venecia said he believes that with the appropriate government support, the country’s creative industry can propel the Philippines towards becoming a creative powerhouse in the ASEAN region.
“Even without the bill, we are already number one in terms of creative services, and number five in the export of creative goods within the ASEAN region. Now you will have a strategic planning and roadmapping for the growth and development and acceleration of these creative industries para ma-hit ‘yong targets,” De Venecia said.
Meanwhile, Taduran’s HB 8140 seeks to professionalize the private mainstream media sector by providing workers just compensation and job security.
Taduran said that most private media firms are still implementing the “talent system” and are only giving “allowances” as remuneration for their workers. She added that media workers form part of the country’s frontliners, and are therefore entitled to receive hazard pay and other health and social benefits.
“We want to professionalize ‘yong ating mga kasamahan sa industry, na mabigyan ng minimum wage,” Taduran said, adding that now is an opportune time to consider the welfare of the mainstream media workers.
‘Pinas mahilig magpapila – Taduran
By Billy Begas
Nagsisimula nang mainis ang isang lady solon dahil nagpapatuloy ang pagkukumpulan ng mga tao sa mga vaccination at voter registration site.
Ayon kay Assistant House Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Rowena Niña Taduran, sa panahon ng digital age ay dapat nakagawa na ng sistema ang gobyerno para nabibigyan ng schedule ang publiko at naiiwasan ang pagpila nang matagal.
“Kulang tayo sa organisasyon, sa panahon na puwedeng i-schedule ang lahat digitally o online para ‘di nagtutumpok-tumpok. Ang hilig nating magpapila,” sabi ni Taduran.
Andami umanong indibiduwal ang napipilitang gumising ng maaga para pumila at nag-uubos doon ng oras kahit na hindi sigurado na sila ay mababakunahan o makakapagrehistro.
“Kung may kanya-kanyang schedule ang magpaparehistrong botante at ang magpapabakuna, hindi na kailangang maghintay ng napakatagal sa pila at makakagawa pa ng ibang gawain ang mga mamamayan,” punto pa ni Taduran.
Nanawagan si Taduran sa mga barangay na tumulong sa pagbibigay ng schedule sa kanilang nasasakupan.
“Barangays should coordinate with the authorities concerned with the vaccination and registration of voters for the proper scheduling and to avoid crowding. This is the best that they can do to avoid the spread of the dreaded COVID-19 and to spare our fellowmen from wasting their time lining up,” dagdag pa ng lady solon.
Need to address in vax, voters reg areas cited
A HOUSE leader on Friday underscored the need to address with dispatch the crowded and disorganized voters’ registration and vaccination sites to avert more coronavirus disease-19 (COVID-19) infections.
House Assistant Majority Leader and ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran is getting exasperated with the way organizers have been managing the crowding problem in vaccination and voter’s registration areas.
With the age of digitalization, Taduran said the government should have already formulated an efficient way of dealing with crowding amidst the pandemic.
“Kulang tayo sa organisasyon, sa panahon na puwedeng i-schedule ang lahat digitally o online para di nagtutumpok-tumpok. Ang hilig nating magpapila,” Taduran said.
“Kung may kanya-kanyang schedule ang magpapa-rehistrong botante at ang magpapabakuna, hindi na kailangang maghintay ng napakatagal sa pila at makakagawa pa ng ibang gawain ang mga mamamayan. Sa panahong ito na napakahirap gumalaw at pumunta sa lugar na maraming tao, kailangang may proper scheduling,” Taduran stressed.
“Pagdating sa voters’ registration, parang sadyang pinahihirapan ang mga mamayan na gustong makaboto dahil kailangan nilang pumila ng, napakaaga para lang makapagparehistro. At ngayon, ayaw pa ng Comelec (Commission on Elections) na i-extend ang registration sa October?” Taduran asked.
Taduran called on all barangay officials to help out in scheduling the people for their vaccination and registration as voters to avoid crowding.
“Barangays should coordinate with the authorities concerned with the vaccination and registration of voters for the proper scheduling and, to avoid crowding. This is the best that they can do to avoid the spread of the dreaded COVID-19 and to spare our fellowmen from wasting their time lining up,” Taduran ended.
Para ‘di maabala! Gov’t urged: Rush issuance of yellow vax passports to OFWs
By Billy Begas
Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Niña Taduran on Thursday urged the government to speed up the issuance of yellow vaccination passport for overseas Filipino workers (OFWs).
At the same time, Taduran also appealed to the national government to help OFWs from the provinces who are currently stranded in Metro Manila after the Hong Kong authorities refused to honor the vaccination cards issued by local government units.
“The Philippine government, through our Consulate in Hong Kong, should discuss thoroughly with the government of the Hong Kong Special Administrative Region the issue concerning the vaccination card of our OFWs,” Taduran said.
Taduran said it should also be clarified if the Hong Kong authorities will accept the international certificate of vaccination issued by the Bureau of Quarantine as proof of vaccination.
“It is very unfortunate that the OFWs are having difficulty in returning to their jobs and spending too much money while waiting for their chance to fly and be admitted in Hong Kong,” Taduran added. “While they are waiting, the government should offer help in sustaining the daily needs of the OFWs especially those who came from the provinces.”
The Hong Kong authorities have lifted the travel ban on the Philippines allowing more than 3,000 stranded Filipino workers to fly back to their employers.
Gov’t asked to help promote vax awareness
HOUSE Assistant Majority Leader and ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran on Sunday called on all concerned government officials to help out in vastly promoting awareness and a more organized vaccination procedure.
Taduran said remarks about alleged vaccine hesitancy will not do us any good.
“I don’t believe there’s a massive vaccine hesitancy in Filipinos. The problem lies in the lack of supply and vaccinators and the vaccination process is mostly disorganized,” Taduran said.
Taduran said the low turnout of senior citizens lining up for their vaccination could be because of disorganization and the lack of proper facilities to administer the vaccines.
“Papipilahin mo sina lolo at lola sa isang mainit na lugar para mabakunahan. Bukod sa init, hirap na yan sa matagal na pagtayo o pag-upo. Bakit hindi ang gawin ng LGU (local government unit) ay magbahay-bahay na sa pagsasaksak ng bakuna sa kanila para hindi na kailangang lumabas? O kaya ay ipatupad ang drive thru vaccination katulad sa Maynila, gamit ang sasakyan ng barangay na susundo sa kanila sa bahay?” Taduran suggested.
She also proposed to LGUs to coordinate with local pharmacies to facilitate the coronavirus disease-19 (COVID-19) vaccination.
“We need all the help that we can get to fast track the vaccination as the Delta variant spreads in the country. Hindi kasalanan ng mga senior citizens at iba pang priority groups kung bakit hindi pa rin sila nababakunahan hanggang ngayon. Maraming nakapila para sa schedule, wala namang tumatawag sa kanila,” Taduran said.
The World Health Organization (WHO) Philippines’ data provided that only 25% (2.1 million) of senior citizens have been fully vaccinated in the Philippines, leaving 6.4 million elderly still at risk of the disease.
Senior Citizens mahihirapan kaya ayaw pagbakuna
Naniniwala ang isang lady lawmaker na maraming senior citizen ang ayaw magpabakuna dahil sa takot na mahirapan sila pagdating sa mga vaccination center.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran, maraming senior citizen ang hindi na kayang tumagal na nakabilad sa araw o mabasa sa ulan bukod pa sa hirap na ang mga ito na tumayo nang matagal.
Para makumbinsi umano ang mga ito, iminungkahi ni Taduran na magbahay-bahay na lamang ang mga lokal na pamahalaan para bakunahan ang mga senior citizen.
Pwede rin umanong gayahin ang ginagawa ng Maynila na drive thru vaccination. Maaari umanong sunduin ang mga senior citizen ng sasakyan ng LGU o barangay para idaan sa drive thru vaccination site.
Gamit ang datos mula sa World Health Organization, sinabi ni Taduran na 25% o 2.1 milyon lamang sa 8.4 milyong senior citizens sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Naniniwala si Taduran na maraming Pilipino ang gustong magpabakuna pero hindi pa rin nababakunahan dahil sa kakulangan ng vaccine.
“Hindi kasalanan ng mga senior citizens at iba pang priority groups kung bakit hindi pa rin sila nababakunahan hanggang ngayon. Maraming nakapila para sa schedule, wala namang tumatawag sa kanila,” dagdag pa ni Taduran.
Cong. Nina, magkakaroon ng sariling SONA!
MANILA,Philippines- Patok sa netizens ang naging look ni Senador Nancy Binay sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) 2021 kahapon, Hulyo 26.
Ibinahagi ng senadora sa kanyang social media account ang kanyang outfit kasama ang long hair.
Sinabing sinuot lamang niya ulit ito makaraang gamitin noong 2016 na siyang likha niRandy Ortiz.
Ito ay isang simpleng itim na barong, na pinartneran ng lace face mask at pinstripe wide leg at itim na rope belt.
Marami ang nagsabi na ito ay elegante at ‘very fresh’ sa bagong look dahil sa mahabang buhok.
Matatandaan sa nakaraang SONA noong 2014, maraming negatibong komento at ginawan din ito ng ilang memes kung saan ikinumpara ang kanyang naging kasuotan sa isang hot air balloon.
Subalit, naging motibasyon niya ang mga komentong iyon upang mas maging adventurous sa kanyang mga kasuotan.
Ikaw ka-Remate? Nakilala mo rin ba si Nancy Binay RNT/Yna de luna-trainee
Wait’s over: Gov’t lauded for speedy repatriation of 348 OFWs from UAE
Apela ng solon HEALTHCARE WORKERS ‘WAG NANG ISAMA SA KONTROBERSYA
SUPORTADO ni ACT-CIS Party-list Representative Rowena ‘Niña’ Taduran ang mga healthcare worker sa kanilang hindi matatawarang responsibilidad ngayong pandemya sa harap naman ng kontrobersya sa maling pagsaksak ng bakuna laban sa COVID-19 sa isang pasyente.
Ayon sa House Asst. Majority Leader, imposibleng sadyain ng mga healthcare worker na huwag iturok sa mga pasyente ang bakuna.
“Aanhin naman nila ang hindi naiturok na bakuna? Ang mga bakuna, tulad ng MRNA vaccines, kapag naihanda na siya para ma-inject, at nahaluan na ng diluting solution, sira na kapag hindi nagamit agad,” ayon sa mambabatas na kumonsulta sa mga ekspertong medikal.
“Ang iba pang bakuna, six hours lang ang shelf life kapag na-puncture na ng karayom ang vial na kinalalagyan nito,” dagdag ni Taduran.
Reaksyon ito ng mambabatas sa kumakalat na mga video ng health care workers na hindi naitutulak ang pang-iniksyon kaya’t nabibigong maisaksak ang bakuna sa pasyente.
“Napapagod din ang mga healthcare workers at nagkakamali. Hinihikayat natin ang mga nagpapabakuna na bantayan ang ginagawa sa kanila para maitama ang mga pagkakamali,” pagtatapos ni Taduran. (CESAR BARQUILLA)
Taduran backs healthcare workers
HOUSE Assistant Majority Leader and ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran backed healthcare workers in their indefatigable task in this pandemic amidst the controversy on the delivery of coronavirus disease-19 (COVID-19) vaccines to patients.
Taduran said it is impossible for health care workers to deliberately fail to inject the vaccine on patients.
“Aanhin naman nila ang hindi naiturok na bakuna? Ang mga bakuna, tulad ng MRNA vaccines, kapag naihanda na siya para ma-inject, at nahaluan na ng diluting solution, sira na kapag hindi nagamit agad,” said Taduran who consulted medical experts.
“Ang iba pang bakuna, six hours lang ang shelf life kapag na-puncture na ng karayom ang vial na kinalalagyan nito,” Taduran added.
Taduran was reacting to the viral video of health care workers who allegedly failed to push the plunger thereby unable to administer the vaccine on the patient.
“Napapagod din ang mga healthcare workers at nagkakamali. Hinihikayat natin ang mga nagpapabakuna na bantayan ang ginagawa sa kanila para maitama ang mga pagkakamali,” Taduran said.
WHAT’S THE FUss? WITH MR. FU : KANDIDATA SA MISS WORLD PH, DATING ‘KONGRESISTA’?
Tabi-tabi po lang kay Joee Guilas ng PAGEANT TOWN para sa kwento kong ito.
Maaga sumabak sa pagtatrabaho si Joy Barcoma. 15 anyos pa lang sya nang magsimulang maging model habang sya ay nag-aaral. 17 anyos naman sya nung sumalang sa iba’t ibang beauty pageant. Pero isa sa di nya makakalimutang oportunidad ay yung naging OJT sya sa produksyon ni Broadcaster Raffy Tulfo. (hindi naman siguro sya pina-Tulfo!) Bukod sa marami syang natutunan kay Raffy, dito nya nakilala ang kapartner nitong si Nina Taduran, na ngayo’y isa nang kongresista. Si Cong. Nina kasi ang nagbukas ng maraming pinto para sa kanya. (baka pwede makidaan sa isang pinto!)
“Malaki po talaga naitulong sakin ni Cong Nina. Sa simula palang na OJT ako. Siya talaga yung nagtuturo sakin at sumusuporta lalo na nung time na yun kasi working student po ako,” pag-alala ni Joy. (penge rin po ng suporta Cong!)
Pagkagraduate nya ng Broadcast Communications sa Polytechnic University of the Philippines, kinuha syang Executive Assistant ni Cong Nina, na nag-encourage din sa kanya na sumali sa nalalapit na Miss World Philippines Pageant. (bakit ako di naisip ni Cong na pasalihin?)
Kwento ni Cong Nina: “Noon talaga napansin ko mahiyain sya. Tapos nakasalamin. Parang betty la fea. Pero nakita ko mukha nya, sabi ko ang ganda-ganda mo. Sabi pa nya, hindi naman po. Tapos nung nagkaroon kami ng pageant na Miss Philippine Islands, pinasali ko sya. Nanalo sya. Ngayon naman, may panibago syang hamon sa Miss World Philippines. “ (pwede ko bang hamunin yang si ate?!)
Wala nang patid ang paghahanda ngayon ng 22 anyos na dalaga para sa naturang pageant na magaganap sa July 25, 2021. (nakaready na rin ako girl!)
“Mostly na preparation is yung usual na walk, q and a, personality development but what I invest most of my time is mentally preparing myself kasi po mahirap ang pressure. So, ayaw ko maapektuhan sa mga negative comments and opinions. “ Paliwanag ni Joy. (block mo sila ‘day!)
Malaki talaga ang impluwensya sa kanya ni Cong. Nina sa pagsali nya sa prestigious pageant na ito. “Inspirasyon ko po talaga si cong nina. Hindi po sya nakalilimot sa pinagsimulan nya. Mula sa pagiging media practiotioner nya hanggang sa maging congresswoman, tapos yung puso nasa serbisyo publiko. Yun po instill ko sa sarili ko na di ko kalilimutan ung mga taong nakatulong sakin kung saan man ako ngayon at magpasalamat sa suporta nila.” (parang bet ko rin maging congresswoman!)
Alam nya na pagsabak sa pageant ay posibleng pagmulan ng ilang indecent proposals. “Hindi na po bago sakin yung mga ganyan. Kung may mag-offer ulit, tatanggihan ko po pa rin kasi vina-value ko po ang dignidad.
Hindi naman ako against sa mga nakikipadate sa mas matanda sa kanila, ang hindi lang ako sang-ayon ay makasira ng pamilya. Ang respeto ko po ay nasa asawa, sa pamilya. Galing po kasi ako sa broken family kaya ayaw ko maging dahilan para makasira ng pamilya at kinabukasan ng anak. “ (parang need ko ata ng dignidad!)
Hindi naman nya isinasara ang puso nya para sa showbiz, bilang maraming produkto ng pageant ang nag-aartista, pero sa ngayon gusto nya munang magfocus sa karera nya sa beauty pageant industry. (ako nga kahit sa karera ng kabayo, waley!)
“Kapag nanalo po ako,tutulong parin ako kay Cong. Nina, kasi napakalaking suporta ang naibibigay nya sakin pati ng mga kasama ko sa trabaho. Kasama ko pa rin sila dahil mayroon akong mga plataporma tulad ng mental health literacy. Hindi naman ako mababago ng korona, mas mapalalawak lang nito yung pagtulong at pag-inspire ng mas maraming tao.” Giit ni Joy. (pahiram ng korona ha!)
Media, hinikayat na magpabakuna na
Nanawagan si ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran sa lahat ng miyembro ng media na magpatala na at magpabakuna laban sa COVID-19 ngayong nagsimula na ang pamahalaan sa pagbabakuna ng A4 priority group.
Paalala ng kinatawan na ang mga manggagawa sa media ay lantad sa banta ng COVID-19 dahil sa araw-araw nilang pagkalap at paggawa ng balita.
Ngayong Hunyo, inaasahang darating ang 10 milyon pang doses ng bakuna laban sa COVID-19, kaya’t hinihikayat ni Taduran ang lahat ng manggagawa sa media na magpalista na sa kanilang mga local government units.
Pinaalalahanan din nito ang mga taga-media na huwag nang mamili ng brand, dahil lahat ng ito ay epektibo at pinag-aralan naman ng husto ang mga bakuna.
Positibo naman ang kinatawan na bago matapos ang taong ito ay maisasabatas ang Media Workers Welfare Bill para mabigyang proteksyon ang mga manggagawa sa media.
Binigyang katiyakan ni Taduran na mabibigyan pa ng dagdag na proteksyon ang mga manggagawa sa media tulad ng tamang suweldo at seguridad sa trabaho, sapat na equipment para sa proteksyon, at insurance habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin.
By Kathleen Jean Forbes
Media bakunahan na – solon
Manila, Philippines – Ipinakakasa na ni ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña na bakunahan na ang mga mamamahayag.
Nanawagan din ang kongresista sa lahat ng miyembro ng media na magparehistro upang mabakunahan na kasabay ng bakatakdang pagbabakuna sa lahat ng A4 priority group.
Iginiit pa ng mambabatas na nahaharap sa panganib ang mga journalists dahil sa araw-araw na panganhalap ng mga balita.
“Hindi huminto ang mga balita simula nang magka-pandemya. Walang nag-off the air at hindi naman nahinto ang printing ng mga diyaryo. Patuloy rin ang mga balita online. Araw-araw na kinakaharap ng mga taga-media ang panganib ng COVID-19. Sa katunayan, marami nang media workers ang nagka-Covid dahil sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin kahit wala pang bakuna,” ayon kay Taduran.
Dahil sa papadating na 10 milyong doses ng vaccine ay hinimok ni Taduran ang mamamahayag na magtungo na sa kani-kanilang LGU.
“The best protection is whatever vaccine is available. Huwag nang mamili, lalo na at pinag-aralan naman ng husto ang mga bakuna bago ito ibigay sa mga mamamayan,” sinabi pa ni Taduran.
“Inaasahan nating bago matapos ang taong ito ay mayroon nang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa sa media. Tamang suweldo at seguridad sa trabaho, sapat na equipment para sa proteksyon at insurance ang nakahanda para sa media workers kapag ito ay ganap nang batas,” dagdag pa ni Taduran. (Meliza Maluntag)
Bakuna program para sa kapos-palad hiniling
NANAWAGAN si House Assistant Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran sa lahat ng mga nasa lokal na pamahalaan na lumikha ng isang espesyal na programa ng pagbabakuna para sa mga nakatira sa lansangan, partikular ang mga matatanda na nagta-trabaho at nanlilimos sa daan.
Sinabi ni Taduran na dapat nagtutulungan ang local government unist (LGUs) at Department of Social Welfare and Development (DSWS) para irehistro at mapagsama-sama ang mga nasa lansangan na walang kakayahang makapagpalista para sa bakuna sa internet o pumunta ng personal sa mga kinauukulang opisina.
“We will never achieve herd immunity if we don’t take care of the people in the streets. They are the most vulnerable and the most probable carriers and transmitters of the virus,” ani Taduran.
“They lack the equipment and proper guidance on getting the vaccine. And these elderly in the streets should be among those in the priority list. Nagtataka nga ako, nauuna pang nababakunahan ‘yung hindi naman matatanda, hindi health worker at walang comorbidity. Bakit hindi tulungan munang mabakunahan ang mga nakatira sa lansangan?” pagtatapos ni Taduran.
Cong na biktima ng basag-kotse, suportado regulasyon sa paid parking
Cong na biktima ng basag-kotse, suportado regulasyon sa paid parking
By Billy Begas
Suportado ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran ang pagpasa ng panukala na magre-regulate hindi lamang sa bayad sa mga parking area kundi titiyak na protektado ang mga sasakyang nakaparada sa mga ito.
Ayon kay Taduran hindi makatwiran na nagbabayad ang mga motorista sa parking pero hindi naman pinapangalagaan ang mga sasakyan kaya para ring nagparada ka sa kalsada.
“Para kang umupa ng hotel room para sa kotse mo, pero walang pananagutan ang may-ari ng parking kung may mangyari sa sasakyan mo,” sabi ni Taduran.
Si Taduran ay nabiktima ng basag-kotse sa isang mall noong Enero 2020.
“For the currently huge fees we pay for parking, there should be enough security personnel to man the area and CCTVs for added security. Kasama ‘yan sa obligasyon ng mga nagpapaupa ng parking spaces. Hindi ka dapat kakaba-kaba sa pag-park ng sasakyan mo kung nagbabayad ka naman,” dagdag pa ni Taduran.
Inaprubahan ng Kamara de Representantes noong Miyerkules ang panukalang Parking Operations and Fees Regulation na akda ni Deputy Speaker at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian. (Billy Begas)
https://tnt.abante.com.ph/cong-na-biktima-ng-basag-kotse-suportado-regulasyon-sa-paid-parking1/
‘Di sayang bayad! Lawmaker victimized by ‘basag kotse’ backs regulation of parking spaces
‘Di sayang bayad! Lawmaker victimized by ‘basag kotse’ backs regulation of parking spaces
By Billy Begas
House Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran has thrown her full support for the passage of a measure that will not only regulate fees in parking areas but also ensure the safety of those who park in paid spaces.
Taduran said it is highly unfair for customers who pay for parking but are not assured of the safety of their vehicles, “just as if they had parked on the streets”.
“Para kang umupa ng hotel room para sa kotse mo, pero walang pananagutan ang may-ari ng parking kung may mangyari sa sasakyan mo,” Taduran said.
Taduran fell victim to basag-kotse while her vehicle was parked in a mall in January last year.
“For the currently huge fees we pay for parking, there should be enough security personnel to man the area and CCTVs for added security. Kasama ‘yan sa obligasyon ng mga nagpapaupa ng parking spaces. Hindi ka dapat kakaba-kaba sa pag-park ng sasakyan mo kung nagbabayad ka naman,” Taduran added.
The proposed Parking Operations and Fees Regulation authored by Deputy Speaker and Valenzuela Rep. Wes Gatchalian was approved by the House of Representatives on second reading last Wednesday.
Panawagan ni ACT-CIS PARTYLIST Rep. Niña Taduran sa LGUs at DSWD: Magkaroon din ng Vaccination program para sa mga kapus-palad na nasa lansangan
Panawagan ni ACT-CIS PARTYLIST Rep. Niña Taduran sa LGUs at DSWD: Magkaroon din ng Vaccination program para sa mga kapus-palad na nasa lansangan
NEWS ALERT l Nanawagan ang isang mambabatas sa mga LGUs na magkaroon ng isang espesyal na vaccine program para sa mga naninirahan sa mga lansangan particular ang mga matatandang naghahanap-buhay at nanlilimos sa daan.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran, kailangang protektahan din ang mga kababayan nating nasa lansangan.
Marapat lamang na magtulungan ang Lokal na Pamahalaan at Department of Social Welfare and Development o DSWD para maiparehistro ang mga nasa nakatira sa kalsada, na walang kakayahang makapagpalista sa pamamagitan ng internet o makapunta sa mga kaukulang tanggapan, para makapagtanggap ng bakuna.
“They lack the equipment and proper guidance on getting the vaccine, and these elderly in the streets should be among those in the priority list,” ani Taduran.
Dagdag pa ng mambabatas, bakit hindi daw muna tulungang mabakunahan ang mga nakatira sa lansangan, na maituturing na isa sa mga ‘most vulnerable and the most probable carriers’ ng virus’.
l Via Julius Disamburun DWRB News
For more updates, Like and Share our Official Facebook Page:
https://www.facebook.com/DWRB103.9NewsFM/
Bakuna program para sa kapos-palad hiniling
NANAWAGAN si House Assistant Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran sa lahat ng mga nasa lokal na pamahalaan na lumikha ng isang espesyal na programa ng pagbabakuna para sa mga nakatira sa lansangan, partikular ang mga matatanda na nagta-trabaho at nanlilimos sa daan.
Sinabi ni Taduran na dapat nagtutulungan ang local government unist (LGUs) at Department of Social Welfare and Development (DSWS) para irehistro at mapagsama-sama ang mga nasa lansangan na walang kakayahang makapagpalista para sa bakuna sa internet o pumunta ng personal sa mga kinauukulang opisina.
“We will never achieve herd immunity if we don’t take care of the people in the streets. They are the most vulnerable and the most probable carriers and transmitters of the virus,” ani Taduran.
“They lack the equipment and proper guidance on getting the vaccine. And these elderly in the streets should be among those in the priority list. Nagtataka nga ako, nauuna pang nababakunahan ‘yung hindi naman matatanda, hindi health worker at walang comorbidity. Bakit hindi tulungan munang mabakunahan ang mga nakatira sa lansangan?” pagtatapos ni Taduran.
By: Ryan Ponce Pacpaco
Partylist lady solon inihirit ang malawakang information drive sa COVID-19 vaccine
Hiniling ni Assistant Majority Leader at
ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa gobyerno ang pagkasa ng malawakang information
campaign ukol sa COVID-19 vaccine.
Ayon
kay Taduran, hindi dapat katakutan ng publiko ang bakuna at dapat mas matakot
sa nakakamatay na virus.
Bukod dito ay mahalaga na mayroong sapat at tamang impormasyon
ang publiko para matulungan ang mga tao na intindihin at tanggapin ang anumang
bakuna na dumating sa bansa.
Kung may kampanya sa tamang edukasyon at impormasyon ukol sa
bakuna ay mahihigitan nito ang mga kinatatakutang epekto dahil napatunayan
naman sa mga pag-aaral na minimal at non-life threatening ang adverse effects
ng COVID-19 vaccines.
-
NANAWAGAN si House Assistant Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran sa lahat ng mga nasa lokal na pamahalaan na lumikha...
-
By Billy Begas Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Niña Taduran on Thursday urged the government to speed up the issuance...
-
By Billy Begas Naniniwala ang isang lady lawmaker na maraming senior citizen ang ayaw magpabakuna dahil sa takot na mahirapan si...


















