Gator Website Builder 2021 News Articles: May 2021

Cong na biktima ng basag-kotse, suportado regulasyon sa paid parking

 Cong na biktima ng basag-kotse, suportado regulasyon sa paid parking





By Billy Begas

Suportado ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran ang pagpasa ng panukala na magre-regulate hindi lamang sa bayad sa mga parking area kundi titiyak na protektado ang mga sasakyang nakaparada sa mga ito.


Ayon kay Taduran hindi makatwiran na nagbabayad ang mga motorista sa parking pero hindi naman pinapangalagaan ang mga sasakyan kaya para ring nagparada ka sa kalsada.


“Para kang umupa ng hotel room para sa kotse mo, pero walang pananagutan ang may-ari ng parking kung may mangyari sa sasakyan mo,” sabi ni Taduran.


Si Taduran ay nabiktima ng basag-kotse sa isang mall noong Enero 2020.


“For the currently huge fees we pay for parking, there should be enough security personnel to man the area and CCTVs for added security. Kasama ‘yan sa obligasyon ng mga nagpapaupa ng parking spaces. Hindi ka dapat kakaba-kaba sa pag-park ng sasakyan mo kung nagbabayad ka naman,” dagdag pa ni Taduran.


Inaprubahan ng Kamara de Representantes noong Miyerkules ang panukalang Parking Operations and Fees Regulation na akda ni Deputy Speaker at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian. (Billy Begas)


https://tnt.abante.com.ph/cong-na-biktima-ng-basag-kotse-suportado-regulasyon-sa-paid-parking1/

‘Di sayang bayad! Lawmaker victimized by ‘basag kotse’ backs regulation of parking spaces

 ‘Di sayang bayad! Lawmaker victimized by ‘basag kotse’ backs regulation of parking spaces




By Billy Begas


House Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran has thrown her full support for the passage of a measure that will not only regulate fees in parking areas but also ensure the safety of those who park in paid spaces.


Taduran said it is highly unfair for customers who pay for parking but are not assured of the safety of their vehicles, “just as if they had parked on the streets”.


“Para kang umupa ng hotel room para sa kotse mo, pero walang pananagutan ang may-ari ng parking kung may mangyari sa sasakyan mo,” Taduran said.


Taduran fell victim to basag-kotse while her vehicle was parked in a mall in January last year.


“For the currently huge fees we pay for parking, there should be enough security personnel to man the area and CCTVs for added security. Kasama ‘yan sa obligasyon ng mga nagpapaupa ng parking spaces. Hindi ka dapat kakaba-kaba sa pag-park ng sasakyan mo kung nagbabayad ka naman,” Taduran added.


The proposed Parking Operations and Fees Regulation authored by Deputy Speaker and Valenzuela Rep. Wes Gatchalian was approved by the House of Representatives on second reading last Wednesday.

Panawagan ni ACT-CIS PARTYLIST Rep. Niña Taduran sa LGUs at DSWD: Magkaroon din ng Vaccination program para sa mga kapus-palad na nasa lansangan

 Panawagan  ni ACT-CIS PARTYLIST Rep. Niña Taduran sa LGUs at DSWD: Magkaroon din ng Vaccination program para sa mga kapus-palad na nasa lansangan




NEWS ALERT l Nanawagan ang isang mambabatas sa mga LGUs na magkaroon ng isang espesyal na vaccine program para sa mga naninirahan sa mga lansangan particular ang mga matatandang naghahanap-buhay at nanlilimos sa daan.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran, kailangang protektahan din ang mga kababayan nating nasa lansangan.

Marapat lamang na magtulungan ang Lokal na Pamahalaan at Department of Social Welfare and Development o DSWD para maiparehistro ang mga nasa nakatira sa kalsada, na walang kakayahang makapagpalista sa pamamagitan ng internet o makapunta sa mga kaukulang tanggapan, para makapagtanggap ng bakuna.

“They lack the equipment and proper guidance on getting the vaccine, and these elderly in the streets should be among those in the priority list,” ani Taduran.

Dagdag pa ng mambabatas, bakit hindi daw muna tulungang mabakunahan ang mga nakatira sa lansangan, na maituturing na isa sa mga ‘most vulnerable and the most probable carriers’ ng virus’.


l Via Julius Disamburun DWRB News


For more updates, Like and Share our Official Facebook Page:

https://www.facebook.com/DWRB103.9NewsFM/

Bakuna program para sa kapos-palad hiniling


 NANAWAGAN si House Assistant Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran sa lahat ng mga nasa lokal na pamahalaan na lumikha ng isang espesyal na programa ng pagbabakuna para sa mga nakatira sa lansangan, partikular ang mga matatanda na nagta-trabaho at nanlilimos sa daan.


Sinabi ni Taduran na dapat nagtutulungan ang local government unist (LGUs) at Department of Social Welfare and Development (DSWS) para irehistro at mapagsama-sama ang mga nasa lansangan na walang kakayahang makapagpalista para sa bakuna sa internet o pumunta ng personal sa mga kinauukulang opisina.


“We will never achieve herd immunity if we don’t take care of the people in the streets. They are the most vulnerable and the most probable carriers and transmitters of the virus,” ani Taduran.


“They lack the equipment and proper guidance on getting the vaccine. And these elderly in the streets should be among those in the priority list. Nagtataka nga ako, nauuna pang nababakunahan ‘yung hindi naman matatanda, hindi health worker at walang comorbidity. Bakit hindi tulungan munang mabakunahan ang mga nakatira sa lansangan?” pagtatapos ni Taduran.


By: Ryan Ponce Pacpaco 

Partylist lady solon inihirit ang malawakang information drive sa COVID-19 vaccine

 

Hiniling ni Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa gobyerno ang pagkasa ng malawakang information campaign ukol sa  COVID-19 vaccine. 




Ayon kay Taduran, hindi dapat katakutan ng publiko ang bakuna at dapat mas matakot sa nakakamatay na virus.

Bukod dito ay mahalaga na mayroong sapat at tamang impormasyon ang publiko para matulungan ang mga tao na intindihin at tanggapin ang anumang bakuna na dumating sa bansa.

Kung may kampanya sa tamang edukasyon at impormasyon ukol sa bakuna ay mahihigitan nito ang mga kinatatakutang epekto dahil napatunayan naman sa mga pag-aaral na minimal at non-life threatening ang adverse effects ng COVID-19 vaccines.

Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Niña Taduran said the purported plan of some company to implement a ‘no vaccine, no work’ policy is a dumb idea.

 Dumb idea: Lawmaker slams proposed ‘no vaccine, no work’ policy





By Billy Begas

Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Niña Taduran said the purported plan of some company to implement a ‘no vaccine, no work’ policy is a dumb idea.

“There is no basis for the ‘no vaccine, no work’ policy. The President himself said that nobody can be forced to be inoculated. Each person has the right to refuse to be vaccinated,” said Taduran.

She said that no one should be forced to get the vaccine in order to get work or maintain his job.

“Although I am encouraging everyone to erase the fear being attributed to the new vaccine, I still believe that vaccination against Covid-19 should be voluntary. Walang pilitan,” she added.

What the companies should do, Taduran said, is to make sure that their employees are strictly following the COVID-19 health protocols.

Taduran also pointed out that it is impossible to force employees to get vaccinated when there is no supply of vaccine in the country.

Kamara sa publiko: Huwag kampante kahit may bakuna na

 


By Billy Begas

Nanawagan ang mga lider ng Kamara de Representantes sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa health protocols upang hindi mahawa ng COVID-19.

“While we understand that more businesses are reopening and people want to resume normal activities, we have to maintain our health protocols until the COVID-19 threat is effectively addressed by our vaccination program,” ani Speaker Lord Allan Jay Velasco.

Apat na magkakasunod na araw nakapagtala ng mahigit 3,000 dagdag na kaso ng COVID-19 ang bansa. Pinangangambahan na umakyat ito sa 6,000 kada araw bago matapos ang Marso.

“Now is not the time to let our guard down,” ani Velasco. “We have to wait until such time a greater number of Filipinos are vaccinated and herd immunity has been achieved.”

Ipinaalala naman ni Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran na kahit na mabakunahan ay maaari pa ring mahawa ng COVID-19 kaya hindi dapat balewalain ang protocol.

“Pagod na ba tayo sa pagsunod sa mga health protocols? Nagmamadali ba tayong bumalik sa normal ang negosyo at pagbabiyahe? Let us not forget that even with the vaccines coming in, the infection is still here and spreading. We have to be wary also of the new variants which spread faster than the original strain,” ani Taduran.

Nanawagan din si Taduran sa mga lokal na pamahalaan upang gamitin ang Barangay Health Emergency Response Team upang matiyak na sumusunod ang publiko sa health protocol.

Mahigpit na health protocol, pinababalik ng isang mambabatas.

 



By Kathleen Jean Forbes

 

Nais ni ACT-CIS Party-list Rep. Niña Taduran na ibalik ang mahigpit na health protocols makaraang ibabala ng UP OCTA Research team na posibleng tumaas sa 6,000 kada araw ang kaso ng COVIDA-19 sa bansa sa pagtatapos ng Marso.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang kongresista sa mabilis na paglobo ng kaso COVID-19 sa bansa lalo na sa National Capital Region, makaraang maobserbahan ang araw-araw na pagtaas ng mahigit sa 3, 000 kaso.

Paalala ng mambabatas, kahit na dumating na ang bakuna ay naririto pa rin ang virus ay patuloy na kumakalat lalo na at may mga bagong variant na naitala sa bansa.

Binigyang diin nito na kahit pa niluwagan na ang travel restrictions sa pagbiyahe ay kailangan pa ring ipatupad ng mga lokal na pamahalaan ang mahigpit na health protocols katulad ng pagsusuot ng face mask at face shield kapag nag-iikot ang mga tao sa labas at ang masusing paglilinis sa katawan at kapaligiran.

Nanawagan din si Taduran sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na maging aktibo sa implementasyon ng health protocols na ito at masusi ring bantayan at alamin ang mga bagong impeksyon sa kanilang komunidad.

A lady solon urged local government units (LGUs) to include health kits to the food packages that will be distributed to families under the Enhanced Community Quarantine (ECQ).

 

Kumpletuhin ayuda! LGUs urged to include health kits in food packs




By Billy Begas

A lady solon urged local government units (LGUs) to include health kits to the food packages that will be distributed to families under the Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Niña Taduran said the kit should contain vitamins and other supplements aside from the usual facemasks and face shield.

At the same time, Taduran called on LGUs in the NCR plus bubble to immediately release the assistance especially to families who are on a hand-to-mouth existence.

“Marami sa ating mga kababayan sa NCR plus ang arawan ang kita. Hindi kakain kung hindi kakayod sa bawat araw. Ngayong may paghihigpit dahil sa ECQ, nawalan ng katiyakan ang kanilang kakainin. Hindi pa nga kasama dyan yung iintindihin nila sa bawat buwan na pambayad sa kuryente at ilaw,” Taduran said.

Taduran said some are forced to violate the quarantine protocol to look for money to buy food.

“Para makumbinsi silang manatili sa bahay, kailangang may katiyakan na may ayudang darating sa kanila ngayon din, hindi ‘yung paghihintayin pa sila ulit ng isang linggo,” she added.

Taduran and other ACT-CIS Representatives Eric Yap and Jocelyn Tulfo have distributed millions worth of rice and health kits in the depressed areas in Metro Manila and Cavite following the implementation of ECQ.

Pamamahagi ng ayuda ngayong ECQ, pinamamadali ng mga kongresista

 

Pinamamadali ng mga kinatawan ng ACT-CIS Partylist sa Kamara ang pamamahagi ng ayuda sa mga Pilipinong nangangailangan sa ilalim ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR plus.



Ayon kina ACT-CIS Partylist Reps. Niña Taduran, Eric Go Yap at Jocelyn Tulfo, nakakabahala ang sitwasyon lalo ng mga mahihirap at mga manggagawang “no work-no pay” dahil sa ECQ kaya marapat lamang na madaliin na ang pamimigay ng tulong pinansyal.

Pinuna ni Yap na dapat agarang maipamahagi ang ayuda dahil marami sa mga mahihirap na kababayan ang pinipiling makipagsapalaran at lumabas ng bahay para lang may ipangkain sa pamilya.

Sinabi naman ni Taduran na bukod sa pagkain ay problema rin ng mga ordinaryong mamamayan ang mga bayarin sa kuryente at ilaw.

Naniniwala naman si Tulfo na makukumbinsi lamang ang mga taong manatili sa tahanan ngayong ECQ kung maibibigay na agad sa lalong madaling panahon ang assistance.

Bukod sa ayuda ay hinimok rin ng mga kinatawan ang Local Government Units na mamigay rin ng health kit na naglalaman ng face mask, face shield, sanitizers, vitamins at supplements para pandagdag proteksyon laban sa COVID-19.

Patients that can no longer be accommodated in hospitals due to lack of available facilities should at least be given COVID-19 medical kits instead of merely being told to go home.

 

By Billy Begas

Patients that can no longer be accommodated in hospitals due to lack of available facilities should at least be given COVID-19 medical kits instead of merely being told to go home.



Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Niña Taduran said the kit should include the standard medicines that are given to mild to moderate COVID-19 patients.

“I have received reports of people waiting for their turn to be seen or admitted in hospitals. May mga pang-number 200 sa pila, may naghihintay na lang sa kanilang sasakyan. Why not give them a kit containing the standard medicines for COVID-19 that they can immediately use for treatment? Don’t just send them home or turn them away,” says Taduran.

She also said that barangays should have a standby oxygen tanks and refills and ambulances or any vehicle that can transport patients in their communities.

“The Barangay Health Emergency Response Team should coordinate with the One Hospital Command Center for the transfer of patients who can not be accommodated in NCR hospitals. Gamitin ang mga ambulansya na ipinamigay ng pamahalaan sa kanila. Bakit ang idinadahilan ay walang available o sira? Dapat handa sila na ipagamit ‘yan sa mga nangangailangan,” Taduran added.

Pagsama sa media sa vaccine priority ikinatuwa

 


Ikinagalak ni House Assistant Minority Leader at ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran ang hakbang ng gobyerno na isama sa A4 priority list ng COVID-19 vaccination program ang mga media worker.

Ayon kay Taduran patuloy na ginagampanan ng media workers ang kanilang trabaho sa kabila ng banta ng COVID-19 at mayroon ng nahawa at namatay sa hanay ng mga ito.

“Hindi naman huminto ang mga balita kahit may pandemya. Sumusugod ang mga mamamahayag kung nasaan ang panganib ng COVID para lamang makapaghatid ng impormasyon. Kahit ang mga nasa technical, sumusuong sa panganib ng virus maibigay lang ang balita sa tao,” ani Taduran na isang dating media personality.

Isinusulong ni Taduran ang panukala na magbibigay ng komprehensibong benepisyo at seguridad sa trabaho ng mga media workers.

“Once it becomes a law, it will ensure all media workers the necessary protection as they perform their duties,” dagdag pa ng lady solon.

Nauna ng sinabi nina Testing Czar Vince Dizon at Director-General Karl Chua ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagtataas sa media workers sa A4 category mula sa B category.

“Akala ko pababayaan na nila ang media. Marami na ring media workers ang iginupo ng COVID dahil sa kanilang pagtupad ng tungkulin. Mayroong mga nakabangon, mayroong mga nawala. Kailangang-kailangan nila ang proteksyon laban sa COVID,” wika pa ng mambabatas.

PAGSAMA SA MEDIA WORKERS SA PRIORITY LIST NG COVID-19 VACCINATION PINURI

 

PINAPURIHAN ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Rowena Niña Taduran ang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na maisama ang mga taga-media sa A4 priority list ng mga mababakunahan kontra COVID-19.



Ayon sa ranking lady House official, labis siyang nagpapasalamat sa hakbang na ito ng Duterte administration lalo’t ang mga manggagawa sa media ay matagal nang nakalantad sa virus simula nang magkapandemya sa kanilang paghahatid ng balita kung kaya marapat lamang na mabigyan sila ng kaukulang proteksiyon laban sa kinatatakutang virus.

“Hindi naman huminto ang mga balita kahit may pandemya. Sumusugod ang mga mamamahayag kung nasaan ang panganib ng Covid para lamang makapaghatid ng impormasyon. Kahit ang mga nasa technical, sumusuong sa panganib ng virus maibigay lang ang balita sa tao,” sabi pa ng ACT-CIS partylist.

“This is also precisely the reason why I am pushing for the passage of the bill on Media Workers Welfare. Once it becomes a law, it will ensure all media workers the necessary protection as they perform their duties,” dagdag ni Taduran.

Ang House Bill 8140 ay hindi lamang magbibigay ng malawakang benepisyo at seguridad sa trabaho kung hindi magkakaloob din ng kaligtasan sa mga manggagawa sa media habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Pinasalamatan din ni Taduran sina Testing Czar Vince Dizon at Director-General Karl Chua ng National Economic and Development Authority sa pagrerebisa ng A4 priority list para maisama ang mga manggagawa sa media.

“Akala ko pababayaan na nila ang media. Marami na ring media workers ang iginupo ng COVID dahil sa kanilang pagtupad ng tungkulin. Mayroong mga nakabangon, mayroong mga nawala. Kailangang-kailangan nila ang proteksiyon laban sa COVID,” ayon sa mambabatas.

Kabilang sa A4 priority group ang mga manggagawang itinuturing na nasa frontline dahil may kinalaman sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo batay sa pagtataya ng IATF.
ROMER R. BUTUYAN

Fake news yan pagtakbo sa pagka-alkalde ng Iriga ni Rep. Taduran itinanggi

 



Itinanggi ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang kumakalat na impormasyon na tatakbo ito sa pagka-alkalde ng Iriga City, Camarines Sur sa susunod na taon.

Ayon kay Taduran mas gusto nitong manilbihan bilang party-list representatives at walang plano na pumasok sa lokal na politika.

“Whatever happens in the next elections, I will continue to be of service to my fellowmen. If I won’t be given the chance to serve again as partylist representative, I can always go back to media, where I have been doing public service for many decades,” ani Taduran.

Kumalat ang balita na tatakbong sa pagka-mayor si Taduran nang magpatayo ito ng action center sa Iriga at mamigay ng tulong pinansyal, face masks at iba pang gamit sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Aniya, ganito rin ang ginawa ng ACT-CIS sa ibang lugar sa Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Benguet, Abra, Pangasinan, Laguna, Cavite, Batangas, Marinduque, Bohol, Cebu at Metro Manila.

“We reach out to whoever needs help,” ani Taduran na nasa unang termino sa pagkakongresista.

Facebook 

Website


House Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Niña Taduran on Sunday commended the media for its role in providing information to the public in the midst of the pandemic.

Laban lang! Ex-TV journo Nina Taduran lauds media’s dedication amid pandemic


By Billy Begas

House Assistant Majority Leader and ACT-CIS Rep. Niña Taduran on Sunday commended the media for its role in providing information to the public in the midst of the pandemic.

Taduran said media workers continue to do their work while some of them are dealing with reduced salaries, long work hours, and zero health benefits.

“Laban lang. Umiiyak na sa takot at hirap, pero tuloy pa rin sa kanilang trabaho ang mga mamamahayag. Binawasan ang suweldo, walang insurance, kanya-kanya sa pagprotekta sa kanilang kalusugan, pero patuloy pa ring naghahanap ng istorya sa labas dahil kailangang maihatid ang balita sa publiko,” said Taduran on the eve of World Press Freedom Day.

Taduran urged media workers to “remember that we have one goal – to inform and spread what is honest, truthful and helpful”

“Media should tell the news as it is and be the guardian of truth and justice,” added Taduran, who is a former TV and radio broadcaster.

Taduran is the author of the Media Workers Welfare bill (House Bill 8140), which was passed on the third and final reading at the House of Representatives. It is pending before the Senate.

She said the measure will further professionalize the media industry and will ensure journalists, technical people and other media workers of proper safeguards as they perform their jobs.

Under the bill, all media workers will be given wages mandated by law, enjoy security of tenure, will be accorded the appropriate hazard and overtime pay plus insurance and other benefits.


Happy World Teacher's Day